Bakit ang Nagbibigay Pala, Siya Pa ang Timawa?
A Homily delivered by Manila Archbishop Luis Antonio G. Cardinal Tagle during the Passion Sunday Mass at the Manila Cathedral on 29 March 2015 at 7 a.m.
Mga minamahal na kapatid sa pananampalataya. Sa araw pong ito ay ating pinasisinayanan, pinasisimulan ang Semana Santa at ang linggong ito ay tinatawag po nating Passion Sunday, Linggo ng Pagpapakasakit ng Panginoon Hesukristo. Kung kaya’t narinig natin ang paglalahad ng pagdurusa at kamatayan ni Hesus ayon kay San Marko. At bago tayo pumasok sa simbahan ginunita natin ang maringal na pagpasok ni Hesus sa bayang Herusalem kung saan niya sasapitin ang kanyang kamatayan. Ang maringal na pagtanggap na nararapat para sa isang hari ay ibinigay natin sa isang natatanging hari; hari na aalipustain; hari na pararatanganan ng hindi totoo; hari na pinagpasiyahan nilang papatayin at hahanap nalang sila mamaya ng dahilan para maging legal ang pagpatay sa kanya.
Ang araw pong ito ay nakababahala, nakakakunsensiya. Ang araw pong ito ay kailangang umuwi sa katahimikan, malalim na pagtatanong, bakit nangyari ito? Bakit nangyayari pa rin sa panahong gulong gulo tayong lahat, ang daming ingay, ang daming baliktaktakan, ang daming awayan. Magulo sa paligid; magulo ang isip; magulo ang puso. Balik-balikan po natin ang pinagdaanan ni Hesus. Sumama tayo sa kanya. Sabi nga po ni Rolando Tinio sa kanyang sinulat na Pasyon ng Bayang Pilipino sa pagninilay sa pagkamatay ni Hesus ang ganda ng kanyang nabanggit, “Yayang ito’s natupad na, lahat ng mula sa una, Diyos kaya namura, dapat natin ikabalisa. Tayo ngayo’y matuwa na, magpasalamat na awa, bakit ang nagbibigay pala, siya pa ang timawa.” Kailangang mabalisa tayo. Habang nagpapasalamat sa Diyos na naawa, kailangang mabilisa. Bakit siya pang nagbibigay pala, siya pang gumawa ng kabutihan, siya pa ngayon ang nakatimawa?
Iyan ang misteryo ng pagpapakasakit at kamatayan ni Hesus. Na kailangang harapin natin ng katahimikan at panalangin sapagkat hindi masusukat ng ating isip. Nagsimula po ang pagpapahayag ng ebanghelyo, sabi ng diyakano: ang pagpapakasakit ng ating Panginoong HesuKristo. Pero nung natapos sabi naman niya, Ang mabuting balita. Papaanong naging Mabuting Balita ang pagpapakasakit ni Hesus? Papaano naging magbibigay pala ang kalapastanganan niyang dinanas? Bakit nga ba? Ano ang nasa krus at pagpapapakasakit ni Hesus na naging mabuting balita at naging sanhi ng ating kaligtasan at bagong buhay? Sa maikling pamamaraan iiwan ko po sa inyo ang dalawang pinamalas ng dalawang pagbasa at patuloy niyo itong pagnilaynilayan sa araw na ito. Bakit naging Mabuting Balita ang kalunos lunos na kahirapan, kamatayan ni Hesus.
Ang una po, lalo na batay sa unang pagbasa at nakita natin sa ebanghelyo. Sa gitna ng kahirapan ng lingkod ng Diyos, propeta, na isinalarawan ng Propeta Isaias. Isang banal na lingkod, nakikinig sa salita ng Diyos, pinahahayag ang salita ng Diyos, ano ang naging kapalit? Hindi siya pinakinggan, pinarusahan pa. Iyan ang karanasan ni Hesus. Ano ang mabuting balita doon? Ang mabuting balita ay ang naging katapatan sa Diyos ng propetang ito; naging tapat si Hesus. Ano ang sabi ng Propeta Isaias? Kahit na ko ay pinahihirapan, alam ko hindi ako ipahihiya ng Diyos. Sa Diyos ako kumukuha ng katarungan. Iyan po ang sikreto kung bakit nanantiling tapat si Hesus. Hindi siya naghintay ng pagsangayon, ng palakpak, at ng paghanga ng madla. Isang bagay lang ang mahalaga sa kanya: nagiging tapat ba ako sa Diyos? At kahit na ako ay pahirapan, alipustain, siraan, hindi ko babaliin ang aking misyon at katapatan. Iyan po ang mabuting balita. Kay Hesus nakatagpo na rin tayo ng isang tapat sa Diyos na hindi babaliin ang kanyang katapatan kapag nasuhulan; kapag naghirap; o kaya’y napahiya na. Mga kapatid magnilay tayo. Napakaraming problema sa personal nating buhay at sa lipunan nangyayari dahil hindi tayo tapat sa Diyos. Handang handang baguhin ang paninindigan; handang handang baguhin kung ano ang dapat na commitment kapag ito ay hindi na popular; kapag ito ay hindi na kaaya aya. Sana po maging tapat tayo sa Diyos kahit na tayo ay pinagtatawanan, kinukutya, hindi maintindihan. Iyang katapatan na iyan ni Hesus ang nagbigay sa atin ng bagong buhay.
Mga kabataan, huwag kayong magpapadala kahit kayo ay pinagtatawanan ng kaibigan ninyo kapag ang ginagawa niyo ay tama. Panindigan ninyo. Sandali lang iyang pagtatawa na iyan; sandali lang iyang pagdurusa na iyan. Mas malalim ang kaligayahang mararanasan mo dahil naging tapat ka sa Diyos. Nagdusa si Hesus subalit ang mabuting balita ng kanyang pagdurusa ay pagdurusa ito ng isang taong marangal; pagdurusa ng isang taong tapat. May mga taong nagdurusa dahil may mga ginawa naman silang kalokohan, eh! Nagdurusa dahil nagnakaw! Nagdurusa dahil corrupt! Hindi iyang ang pagdurusa ni Hesus. Ang pagdurusa na nakaliligtas! Ang pagdurusa ng isang tao na hindi tanggap ng mundo dahil kapanig siya ng Diyos.
Mga kabataan, mga magulang, tayo pong mga lingkod bayan, ipakita natin iyan: tapat ako sa Diyos at kaya kong panindigan kahit ako ay masaktan. Si San Lorenzo Ruiz de Manila ano ang sabi niya? Kahit isang libong buhay iaalay ko sa Diyos para kay Kristo. Iyang ang mabuting balita.
At panghuli po, sabi ni San Pablo, Si Hesus bagamat anak ng Diyos naging tao. Hindi lamang siya tapat sa Diyos ano man ang mangyari, tapat siya sa kanyang mag yinakap bilang mga kapatid niya. At sino yung mga kapatid niya na iyon? Tayo! Tayong makasalanan. Ang mga katulad ni Pedro, Juan at Santiago na tutulog tulog, manhid. Ang katulad ni Hudas na yayakapin daw; hindi naman yakap ng kaibigan kundi yakap ng pagbebenta. Kapatid niya si Pilato na inuna ang kanyang ambisyon kaysa sa prinsipyo. Kapatid niyang itinuring ang mga sundalong piniringan siya, pinaglaruan. Tinuring niyang mga kapatid pati yung mga naglilibang. Bakit niya tinuring na kapatid? Hindi dahil may pakinabang siya kundi dahil mahal niya tayo. Ito ang aking katawan para sa inyo, para sa lahat. Ito ang aking dugo para sa lahat. Wala siyang tinatanggi. Lahat po tayo, lahat ng tao kahit yaong hindi nakakakilala kay Kristo, minahal ni Kristo at para sa kanila inialay niya ang kanyang buhay. Sabi nga ni San Pablo, dahil kay HesuKristo ang naghahati sa mga Hudyo at mga Hentil, sa babae at lalaki, sa malaya at sa alipin ay wala na. Lahat kayo ay mahal ni Hesus. Namatay si Hesus para sa lahat. Iyan ang mabuting balita. Tapat siya sa Diyos at sa atin.
Kaya nakikiusap po ako sa inyong lahat, sa ating lahat, tularan ang pagmamahal ni Hesus kasi tayo nagtatangi. A iyan mukhang mahirap iyan. A iyan mukhang walang pinagaralan iyan. A iyan mukhang trabahador lang iyan. A iyan mukhang sa Baclaran lang iyan namimili, hindi sa mall. A iyan mukhang Muslim. A iyan, mukhang Hindu. A iyang mukhang Buddhist. Inialay ni Hesus ang kanyang pagmamahal hanggang kamatayan para sa lahat. Kahit sino ka man at kahit hindi mo alam minahal ka ng Diyos sa pamamagitan ni Hesus. Katapatan na hindi nagmamaliw para sa Diyos at pusong napakalaki, kayang yakapin ang lahat! Iyan ang Mabuting Balita sa gitna ng pagdurusa ni Hesus. Kaya nga sinasabi natin, “By your cross and resurrection, you have set us free.” Malaya na tayo pakamamahal sa Diyos at makayayakap sa kanya. Tayo ngayo’y matuwa na. Subalit bakit nga ba, bakit ang magbigay palad siya pa nakatimawa?
Tumahimik po tayo sandali. Mabalisa ang ating kalooban. At ang katahimikang ito ay panatiliin sa araw na ito at sa buong Semana Santa.

No comments: